Tamang teknolohiya sa mga magsasaka mas mahalaga vs malawak na sakahan – Villar

Tamang teknolohiya sa mga magsasaka mas mahalaga vs malawak na sakahan – Villar

January 25, 2023 @ 5:07 PM 3 days ago


MANILA, Philippines – Mas mahalaga na matutunan ng mga magsasaka ang tamang teknolohiya sa pagsasaka kumpara sa pagkakaroon ng malawak na sakahan.

Ito ang binigyang diin ni Senator Cynthia Villar, ang chairperson ng Senate Committee on Food and Agriculture sa kanyang pagdalo sa Kapihan sa Manila Bay.

Paliwanag ni Villar, para mapalawak ang sakahan ay dapat maturuan ang mga magsasaka ng makabagong teknolohiya para sa pagsasaka.

Inihalimbawa ni Villar ang bansang Israel sa pagiging desert country pero nagagawa nilang mag-export ng mga gulay sa ibang bansa.

Samantala, iminungkahi nito sa mga magsasaka na gumamit ng organic fertilizer sa halip na chemical fertilizer bilang solusyon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng abono.

Binigyan diin ni Villar na, bukod sa nakakatulong na sa kapaligiran ay maganda rin ito para sa lupang tinataniman at mga gulay.

Ayon kay Villar, ang nag-iisang kumpanya ng fertilizer sa bansa ay nasira ng bagyong Yolanda at hindi na aniya sila nakabangon.

“So ngayon what I’m promoting is organic fertilizer. Kasi yung Bureau of Soil at Water Management mamimigay lang sila ng composting machine in every town in the Philippines or every coop,” anang senador.

Aniya 50 percent ng kitchen waste ay maaring i-convert sa organic fertilizer kaya dapat turuan ang mga tao na magproduce ng organic fertilizer. Jocelyn Tabangcura-Domenden