Tamayo nanumpa bilang CAAP chief

Tamayo nanumpa bilang CAAP chief

November 16, 2022 @ 9:06 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nanumpa ang dating piloto na si Manuel Antonio Tamayo bilang director general ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Pinangasiwaan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista ang seremonya nitong Martes.

Si Tamayo ay isang lisensyadong piloto na may 42 taong karanasan sa aviation industry. Nagsimula ang kanyang karera nang makapagtapos sa Philippine Air Force (PAF) flying school noong 1975.

Bago maging Director General of CAAP, itinalaga si Tamayo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang Undersecretary for Aviation and Airports sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr). RNT/SA