Tambalang DenKim, lalaban din sa 2018 MMFF

Tambalang DenKim, lalaban din sa 2018 MMFF

August 1, 2018 @ 1:12 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines- Ops! Itsapwera muna kina Dennis Trillo at Kim Chui sina Jennylyn Mercado at Xian Lim dahil sila muna ang mag tatambal sa gagawin nilang Regal movie na One Great Love.

Sa direksyon ng batikang aktor-direktor na si Eric Quizon at primyadong manunulat na si Gina Marissa Tagasa, malayo sa comfort zone ang role ng Chinita Princess sa nasabing pelikula.

β€œWe wanted Kim to do out of her comfort zone not the Kimsy, you know. Ibang Kim ang makikita niyo… a more mature role. She will play the emotions of a mature woman, how she’s tested with love,” panayam sa batikang direktor na si Eric Quizon sa storycon ng pelikula.

Makakasama din nila dito ang mga sikat na personalidad na sina JC de Vera, Marlo Mortel at Miles Ocampo.

Pinipilit na tapusin ng Regal ang One Great Love para maihabol sa gaganaping, 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December ngayong taon. Remate News Team/Intern, Neil Aubrey Tolentino