Tambalang Duterte-Duterte: Anything is possible, nothing is impossible – Roque

Tambalang Duterte-Duterte: Anything is possible, nothing is impossible – Roque

July 12, 2021 @ 1:58 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – “Anything is possible. Nothing is impossible.”

Ito ang naging tugon ni Presidential spokesperson Harry Roque matapos na kapuwa nagpahayag ang mag-amang Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte -Carpio na pinag-iisipan nilang mabuti ngayon ang pagtakbo sa 2022 elections.

Kaya asahan na aniya ng publiko ang posibilidad na tambalang Duterte-Duterte sa sasabak sa halalan sa susunod na taon.

Matatandaang kapuwa rin hayagang tumanggi sina Pangulong Duterte na tumakbo bilang bise-presidente at Mayor Sara sa pagka-pangulo subalit dahil na rin sa malakas na panawagan mula sa iba’t ibang sektor at partido ay pinag-aralan ng mag-ama ang bagay na ito.

Subalit, iba naman ang posisyon ng isang political analyst dahil ang para sa kanya ang posibleng tambalan ni Pangulong Duterte bilang VP candidate at ng anak nitong si Mayor Sara bilang Presidential candidate ay maaaring kumaharap ng mga pagsubok.

Ani ni Ramon Casiple, isang political analyst, “There’s an inherent problem there because both are from Mindanao. Mindanao has a very low number of voters.

Considering this will be a strong election, it’s a negative factor if it’s a Duterte-Duterte.”

Ngunit ang posibilidad na ito ay hindi pa nakumpira at baka paraan lang ng kampo ng Pangulo upang ma-discourage ang ibang maaaring tumakbo.

Si Pangulong Duterte ay magiging76 na sa buwang ito, at paulit-ulit nang nagbitaw ng pahayag na siya’y pagod na at hindi na makikita sa larangan ng politika pagkatapos ng kanyang termino. Habang ang anak naman nitong si Sara ay nagsabi na ring hindi niya gustong tumakbo pagka-Presidente. Kris Jose