Tambalang Go-Duterte, nakasalalay sa basbas ng Pangulo

Tambalang Go-Duterte, nakasalalay sa basbas ng Pangulo

June 4, 2021 @ 10:00 AM 2 years ago


MANILA, Philippines –  Nakasalalay sa magiging pasiya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung mabubuo ang “Goterte” tandem para sa eleksiyon 2022.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, matagal nang itinutulak ng Pangulo si Senador Bong Go na tumakbo sa pagka-Presidente.

Subalit ang kondisyon ni Senador Go ay kailangang tumakbo sa pagkabise ang Pangulo bago siya sumabak sa Presidential race.

Kaya nga aniya ngayong may nominasyon na si Pangulong Duterte ay kailangan na lang gawin ay hintayin ang pasiya ng Presidente.

Sinasabing, magkakaalaman na lang talaga pagdating ng Oktubre dahil iyon aniya ang panahon na ang mga nababanggit na pangalan ay kailangang magdesisyon kung tatakbo sa susunod na taong eleksiyon. Kris Jose