Tambalang Lacson-Sotto welcome sa Malakanyang

Tambalang Lacson-Sotto welcome sa Malakanyang

July 14, 2021 @ 3:50 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Okay sa Malakanyang kung tuloy na nga ang tambalang Panfilo “Ping” Lacson at Vicente “Tito” Sotto III sa 2022 presidential election.

Sa katunayan, nagpaabot pa si Presidential spokesperson Harry Roque ng pagbati sa nasabing tambalan.

“We wish them the very best because in a democracy, kinakailangan mayroong pagpipilian ang taumbayan,” ayon kay Sec. Roque.

Sa ulat, tuloy na tuloy na sa 2022 presidential election ang tambalang Lacson-Sotto.

Ito mismo ang kinumpirma ni Sen. Lacson kung saan tatakbo ito sa presidential post habang vice president post naman ang kay Senate President Sotto.

Ayon kay Lacson, nag-uusap na sila ni Sotto para isapinal ang pagtakbo sa national elections.

Sinabi ng senador na kahit mababa ang nakukuha nilang rating sa mga presidential bet survey ay hindi sila nagpapaapekto rito dahil magandang pagkakataon aniya ito para malaman at mapag-aralan ang kanilang gagawing istratehiya.

Aniya, isang seryosong usapin ang pagtakbo sa national position kaya dapat kalimutan na ng mga kandidato ang politics of entertainment. Kris Jose