Tambalang LizQuen, mabubuwag na?

Tambalang LizQuen, mabubuwag na?

May 29, 2022 @ 10:12 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Chances are, mabubuwag na ang tambalan nina Liza Soberano at Enrique Gil, ang LizQuen.

Ito ang pinangangambahan ng mga netizen dahil na rin sa pinupursigeng Hollywood dream ni Liza.

Two years na ring hindi visible ang loveteam sa telebisyon.

Choice daw nila ‘yon dahil hindi pa naman ganap na humuhupa ang health crisis sa bansa.

Idagdag pa raw ang change of manager ni Liza na effective June 1 ay nasa pangangalqga na ni James Reid at ng team nito.

Ang tanong: where does it leave Enrique? Bibitiw na rin ba ito kay Ogie?

Pero umaasa rin ang ilang netizens na baka blessing in disguise ang napipintong pagkabuwag ng LizQuen.

Hayaan daw ang real life couple na i-explore ang extent ng career possibilities na naghihintay sa kanila.

Huwag din daw ikumpara ang tambalang ito kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla who just marked their 10th anniversary as screen partners. Ronnie Carrasco III