Tambalang Megastar at Goma, most requested daw?

Tambalang Megastar at Goma, most requested daw?

July 11, 2018 @ 1:26 PM 4 years ago


Excited na si Ormoc City mayor Richard Gomez sa pagbabalik pelikula at teleserye.

Most requested pa rin ang tambalang Shawie at Goma na huling napanood noong 2000 sa box office hit na “Minsan Minahal Kita.”

“I look forward to working with her and sana matuloy,” ani Richard.

Noong Biyernes ay napabalitang nakipag-meet na ang actor at optician sa Star Cinema.

Bagong advocacy ni Richard ngayon ang CPR  awareness at goal niya rin na matulungan ang mga kasamahan sa showbiz na laging stress at pagod sa trabaho.

“Number 1, ‘yung mga kasama natin sa showbiz marunong sila mag-CPR. Second siguro with the help of the Department of Labor and Employment dapat mayroon tayo cut-off time. Very stressful kasi ang trabaho natin,” ani Richard. (Remate News Team)