Tambalang Song Kang, Han So-Hee, kinakiligan ng netizens

Tambalang Song Kang, Han So-Hee, kinakiligan ng netizens

July 11, 2021 @ 4:18 PM 1 year ago


SOUTH KOREA – Usap-usapan ngayon sa Twitter ang Korean actor na si Song Kang matapos ang pagbida niya sa kanyang pinakabagong K-Drama series na “Nevertheless”

Ilang netizens ang nagpahiwatig ng kanilang paghanga sa personalidad na ginagampanan ng aktor sa serye bilang Park Jae-Eon, lalo na ang chemistry sa pagitan nila ng kanyang leading lady na si Han So-Hee. 

“Song Kang and Han Sohee’s chemistry is undeniable I could see lots of butterflies are flying over my head ”  ani ng isang netizen sa kanyang tweet.

“Why can’t you be my boyfriend” iyan ang isa sa mga linya ni Na-Bi (Han So-Hee) na tumatak sa mga netizens matapos mapanood ang episode four ng Nevertheless kahapon. Tila baga marami ang naka-relate at nasaktan sa tagpong ito. 

Nakatutok din ang fans ng loveteam sa kanilang mga behind the scenes at lalong kinakiligan sa pagiging komportable nila sa isa’t-isa.

“please song kang and han so hee being comfortable with e/o does things to my heart:( cutest #NeverthelessEp4tugon sa tweet ng isang netizen kasama ang trimmed behind the scene video clip ng isang episode ng palabas.

Mapapanood ang Nevertheless sa JTBC Korean television network sa ganap na 11:00 ng gabi tuwing Sabado at ieere naman ito sa Netflix matapos ang television broadcast nito para sa international release. Ethel Mangao