Tambay binaunan ng bala

Tambay binaunan ng bala

August 9, 2018 @ 3:19 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Binaunan ng isang bala sa ulo ang isang 24-anyos na tambay,  habang nakikipag-inuman  sa Parola Compound, sakop ng Tondo, Manila kaninang madaling araw.

Kinilala ang biktimang  si Ernie Huelar, 24-anyos,ng habang patuloy na nangangalap ng testigo sa pagkakakilanlan sa tumakas na suspek na armado ng kalibre .45 baril.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. Marlon San Pedro, kay P/Sr.insp. Rommel Anicete hepe ng Manila Police District, – Homicide Section , bandang 4:15 ng madaling araw, nang maganap ang pamamaril sa isang iskinita sa Bacalan Pier 2 sa Parola Compound.

Nabatid sa report ng pulisya, nakikipag-inuman umano ang biktima kasama ang kanyang mga kabarkada nang biglang umalingawngaw ang isang malakas na putok ng baril.

Naiwang wala nang buhay ang biktima, matapos magtamo ng isang tama ng bala ng baril.

Sa pagsisiyasat ng pulisya , walang nakitang  CCTV camera sa lugar ,malapit sa pinangyarihan ng krimen kung kaya’t nananatiling walang pagkakakilanlan sa suspek, habang binubusisi kung may kaugnayan sa droga ang pagpatay. (Rene Crisostomo/ Revia Mae Sibal/ Cyra Corral)