Tambay tiklo sa child abuse

Tambay tiklo sa child abuse

November 28, 2022 @ 4:25 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Isang 30-anyos na tambay ang dinakip dahil sa kasong child abuse sa Malabon City.

Kinilala ang naaresto na si Andrew Suazo y Dela Cruz, residente ng Sitio 6, Dumpsite, Barangay Catmon, ng naturang lungsod.

Dinakma ang suspek 7:15 ng gabi nitong Nobyembre 26 sa nasabing lugar sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Catherine Therese M. Tagle-Salvador, Presiding Judge, Regional Trial Court Branch 73, Malabon City noong Marso 17, 2022.

Halagang P80,000 ang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng dinakip. Merly Iral