Tanauan City PIO, pinabulaanan ang anggulong inside job sa pamamaslang sa alkalde

Tanauan City PIO, pinabulaanan ang anggulong inside job sa pamamaslang sa alkalde

July 6, 2018 @ 6:36 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Mariing itinanggi ng Tanauan City public information office ang alegasyon na posibleng inside job ang pamamaslang kay Mayor Antonio Halili.

Kasunod ito ng report ng Special Investigation Task Group na siyang humahawak sa kaso ng assassination na bihira lang dumalo ng flag raising ceremony ang alkalde kaya may posibilidad na may nagtimbre sa suspek.

Sa isang panayam, pinabulaanan ni Tanauan City PIO chief Gerry Laresma ang report na ito dahil makikita palagi ang alkalde sa naturang seremonya tuwing Lunes.

Dagdag pa ni Laresma, mayroon silang dokumentasyon o mga video at litrato ng lingguhang attendance ng alkalde sa Tanauan City government social media page.

Itinanggi rin ni Laresma na sangkot ang namayapang alkalde sa iligal na droga. (Remate News Team)