TANAUAN MAYOR VS. SWITIK NA BRGY. LEADERS

TANAUAN MAYOR VS. SWITIK NA BRGY. LEADERS

August 30, 2022 @ 3:03 PM 1 month ago


HINDI maikakaila na ang Tanauan City sa Batangas ay isa sa pinaka-kontrobersyal na lugar sa lalawigan dahil sa samu’t saring kadahilanan, lalo na ang problema sa droga at ‘di mahinto-hintong iba pang bisyo.

Sikat ang lungsod na ito basta droga ang pag-uusapan dahil noong panahon ng pinaslang na Mayor Antonio Halili, ang mga adik at pusher ay ipinaparada sa kalsada sa utos ng dating alkalde bilang parusa.

Ito raw ang paraan ni Halili para ipadama ang kanyang galit sa droga at
mabura ang paratang sa kanya nang nagretirong Pangulong Digong na siya’y involved sa kalakaran ng droga.

Si Halili ay binaril at napatay ng isang sharp shooter na hanggang sa kasalukuyan ay
nananatiling unsolved dahil ang tisismis, siya’y pinapatay ng pamahalaang Duterte na nagdeklara ng giyera laban sa droga.

Noon pa man at magpahanggang ngayon ‘open-secret’ na sa awtoridad ang kalakarang
droga at operasyon ng mga iligal, kasama na ang sugal sa siyudad na ito dahil mismong mga barangay leader ang mga pasimuno.

Matagal na nanungkulan ang mga Halili pero sa tagal sa serbisyo, ‘di nahinto ang droga, iligal na sugal at iba pang bisyo para ibasura ng mga residente ang kanilang muling pagtatangka sa puwesto noong May 9 election.

Sa ngayon ang alkalde ng lungsod ay si dating congressman Sonny Collantes na sa pag- upo noong Hulyo 1 sa posisyon ay winalis kaagad ang sugal, partikular ang STL-con-jueteng, ganon din ang kalakaran ng droga.

Pero ‘di dapat maging kampante si Collantes dahil napakaraming switik na lider
ng barangay sa kanyang lungsod na gagawa ng paraan para muling mabuksan ang operasyon ng droga at STL-pon-jueteng.

Ang mga pangalan na ito ang bantayan ni Collantes- Donna, STL-con-jueteng operator sa Pantay na bata at Pantay na Matanda; Annabel – Pantay na Matanda; Lilian – Brgy. Sambat; Tano ng Brgy. Trapiche; Rodel – Brgy. Sambat; Bitkutso – Brgy. 7; Mayor Benir, Kon. Angel, Ablao at Melchor ng Brgy. Darasa; Kap. Mario – Brgy. Pantay na Bata; Jr. Biscocho at Lito sa Brgy. Pululaan, Brgy. 7 at Kon. Perez ng Poblacion.

Paki-check na rin ni Mayor ang ito na involved daw sa sugal at droga – sina Ocampo,
Emil, Aldrin, Terio, Angke at Lawin ng Brgy. Bagbag, Pantay na Bata at Pantay na Matanda – sina Rowel at Barania; Brgy. Trapiche sina Engke at Cancio at Dexter ng Brgy. Ulango.

Political will ang paganahin ni Mayor Collantes para ‘di na makabalik ang droga, sugal at iba pang bisyo para mapanatiling tahimik, ligtas at zero sa kailigalan ang Tanauan na pinagharian ng kadiliman ng matagal na panahon.