Tandem sa pagtutulak, huli sa drug bust

Tandem sa pagtutulak, huli sa drug bust

November 13, 2022 @ 7:45 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Kalaboso sa kulungan ang isang babae at isang lalake na di-umano’y tandem sa pagbebenta ng iligal na droga, sa Unity Village, Purok 5, Barangay Kalikid Sur, Cabanatuan City nitong Biyernes, Nobyembre 11.

Sa ulat ni P/Lt.Col. Edilmar Alviar, hepe ng Cabanatuan City Police Station (CCPS), kay Nueva Ecija director, P/Col. Richard Caballero, kinilala ang mga arestadong suspek na sina Gliber Salde y Ramos, 42, may asawa, Filipino, vendor; at Jocelyn Castillo y Concepcion, 50, byuda, kapwa residente ng nasabing lugar.

Sa report ng pulisya, ganap na 10:30 ng gabi nang ikasa ng pinagsanib na operatiba ng Cabanatuan CPS (lead unit); PPDEU/PIU Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) at RIU3-PIT Nueva Ecija, ang Anti-Illegal Drugs Buy Bust Operation sa nabanggit na barangay.

Sa koordinasyon ng Provincial Drug Enforcement Agency (PDEA), gamit ang (1) piraso ng ₱1,000 bill pre-marked buy bust money na kung saan di-umano ay nakabili ang police poseur buyer ng (1) pakete na pinaniniwaan di-umanong shabu mula sa mga suspek.

Habang isinasagawa ang pag-aresto ay narekober di-umano sa pangangalaga ng suspek na si Gliber ang (4) na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na nakalagay sa loob ng kaha ng sigarilyo; (1) Omega Model 30 12 gauge shotgun na walang serial number, at (8)piraso ng live ammunition para sa 12 gauge shotgun; kasama ang Php1,000 bill pre-marked buy bust money.

Habang, (2) piraso naman ng heat-sealed transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na nakalagay sa loob ng kulay brown na coin purse ang nakuha naman sa pangangalaga ni Jocelyn.

Kapwa dinala ang mga suspek kasama ang mga nakuhang ebidensya sa
Cabanatuan CPS para sa disposisyon nito.

Tinataya naman na nasa humigit kumulang sa 25 gramo ng hinihinalang shabu ang nakuha mula sa mga suspek at may estimated value na Php 170,000.00. Elsa Navallo