Tangadan falls sa Elyu, binuksan na para sa mga turista

Tangadan falls sa Elyu, binuksan na para sa mga turista

January 9, 2021 @ 5:29 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

LA UNION – Inianunsyo ng lokal na gobyerno ng San Gabriel, La Union na binuksan na para sa turista ang Tangadan Falls.

Ang Tangadan Falls ay isa sa mga tourist spot sa La Union na gustong-gustong puntahan ng mga turista noong wala pang pandemya.

Bagama’t muling binuksan na sa mga turista, mahigpit na ipatutupad ng lokal na pamunuan ang minimum health standards at health protocols sa naturang lugar para maiwasan ang transmission ng COVID-19.

Sa nakuhang impormasyon ng REMATE, limitado lang sa mga 100 na turista kada araw ang hahayaang pumunta sa Tangadan Falls.

Tatlong araw bago pumunta ng bayan ng San Gabriel ay kailangan umanong magpa-book o magparehistro muna ang mga turista.

Ang booking ay Lunes hanggang Biyernes, mula 9:00 AM hanggang 5:00 PM.

Bukod dito, kailangan din na isumite sa munisipyo ng San Gabriel ang mga kailangang dokumento gaya ng health certificate mula sa bayan na kanilang panggagalingan. Rolando S. Gamoso


  •  
  •  
  •  

Loading...