Tanggal-TRO sa pagboto ng PDLs sa local elections oks sa Comelec

Tanggal-TRO sa pagboto ng PDLs sa local elections oks sa Comelec

September 1, 2022 @ 6:02 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Ikinatuwa ng Commission on Elections (Comelec) nitong Huwebes ang desisyon ng Korte Suprema (SC) na tanggalin ang temporary restraining order (TRO) na inilabas noong 2016 laban sa hakbang ng komisyon na payagan ang mga kwalipikadong taong deprived of liberty (PDL) na bumoto sa pambansa at lokal mga botohan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Comelec acting spokesperson John Rex Laudiangco na ang desisyon ay gagawing mas inklusibo ang halalan.

“In upholding the validity of Resolution No. 9371, the Supreme Court affirmed Comelec’s commitment to the rule of law, due process, fair play, and equity, and in championing the constitutional right to suffrage of all qualified Filipino citizens. This (is a) triumph of electoral inclusivity, societal equality, and non-discriminatory justice,” sabi ni Laudiangco.

Dagdag pa ni Laudiangco, ang desisyon ay magpapahintulot sa mga PDL na bumoto para sa tumatakbong kandidato para sa local positions.

“Qualified PDLs will now be allowed to register, as well as vote in the election of national and local elective positions,” dagdag niya.

Sa siyam na pahinang resolutio na isinapubliko noong Agosto 26, inalis ng tribunal ang TRO na pumipigil sa komisyon sa pagpapatupad ng Resolution 9371 nito.

Sinasaklaw ng resolusyon ang mga PDL na nakakulong, pormal na kinasuhan para sa anumang krimen, at naghihintay/sumasailalim sa paglilitis; o yaong nagsisilbi ng sentensiya ng pagkakulong nang wala pang isang taon.

Saklaw din  ang mga paghatol sa isang krimen na kinasasangkutan ng Hindi kata

Sinasaklaw din ang mga taong ang paghatol sa isang krimen kaugnay sa disloyalty sa nararapat na itinalagang pamahalaan, tulad ng rebelyon, sedisyon, paglabag sa mga firea laws, o anumang krimen laban sa pambansang seguridad o para sa anumang iba pang krimen, ay nasa apela. Jocelyn Tabangcura-Domenden