Tanging RT-PCR kits na may ‘6 months shelf life’ lang ang meron noong 2020 – DOH

Tanging RT-PCR kits na may ‘6 months shelf life’ lang ang meron noong 2020 – DOH

September 18, 2021 @ 1:28 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Health na tanging RT-PCR kits na may shelf life na anim na buwan ang available sa merkado nang bumili ang Procurement Service-Department Budget and Management (PS-DBM) ng  COVID-19 testing kits noong 2020.

 “As COVID-19 is a novel disease, the test kits used to detect the virus were only developed in the early months of 2020,” saad ng DOH.

“Back then, real-time RT-PCR test kits that were available in the market had a shelf life of only six months.”

Kaugnay ito ng paglilinaw sa tanong ni Senator Francis Pangilinan kung bakit hindi naabot ang requirement sa RT-PCR test kits ng DOH.

Samantala, nilinaw ng DOH na hindi nila isinantabi ang six months shelf life ng real-time RT-PCR test kits na binili ng PS-DBM.

“These shelf life specifications were based on similar procurements prior to the pandemic.”

“This was due to manufacturers having no data on whether their test kits would be stable and useful beyond six months,” lahad pa ng DOH. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •