Tangkang paggahasa sa paslit na pinag-caroling ng piyon, napurnada

Tangkang paggahasa sa paslit na pinag-caroling ng piyon, napurnada

December 8, 2022 @ 2:36 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Kalunos-lunos ang sinapit ng 10-anyos na babae na nagka-trauma matapos piliting papasukin ng lasing na piyon sa kanyang inuupahang bahay kapalit ang pera sa bayan ng Balagtas.

Kinilala ang suspek na si Edel Floro, 54 construction worker sa PNR site, tubong San Miguel habang ang biktima ay itago sa pangalang Deana. Grade 4, kapwa residente ng Brgy. Borol 1st.

Napag-alamang nangyari ang insidente Miyerkules ng hapon nitong Disyembre 7, sa Brgy. Borol 1st.

Ayon sa ina ng biktima, pilit na inaaya ng lasing na suspek ang paslit sa kanyang bahay kapalit ang pera at sumusenyas na huwag maingay.

Lingid sa kaalaman ng suspek isang kaanak ang nakabantay sa bata kaya kinompronta siya hanggang hindi natuloy ang binabalak nito.

Sinabi naman ng suspek na pinapakanta lamang niya ng pamasko ang bata at hindi para gawan ng masama.

Kalaunan, humingi rin ng pasensiya ang suspek sa pamilya ng biktima sa harap ng mga opisyal ng barangay, pumayag na sisantihin ng Foreman nila at nangakong hindi na kailanman tutuntong sa lugar. Dick Mirasol III