Taniman ng marijuana sa Kalinga, winasak

Taniman ng marijuana sa Kalinga, winasak

April 7, 2021 @ 6:58 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

KALINGA-  Tuluyan nang sinunog ng mga pinagsanib na pwersa ng Philippine Drugs Enforcement Agency o PDEA-Kalinga, 1st KPMFC, PDEU, RDEU, RIU 14, Tabuk CPS, Kalinga PECU, RMFB 1503rd at Kalinga Police Provincial Office o KPPO ang halos mahigit 10,800 fully-grown marijuana plants sa bulubundukin bahagi ng Brgy. Lacnog, Tabuk City, Kalinga.

Base sa estimated market value ay tinatayang mahigit P2-M ang halaga ng Marijuana na nakatanim sa 1,800 square meters na lupain.

Hanggang sa ngayon ay inaalam pa kung sino ang nagmamay-ari ng nasabing plantasyon ng marijuana sa naturang lugar matapos walang maabutan ng mga otoridad nang suyurin nila ang lugar.

Matandaan ang lalawigan ng Kalinga ang pinaniwalaan dito nanggaling ang malaking supply ng marijuana. Rey Velasco


  •  
  •  
  •