Taniman ng marijuana, winasak sa disputed boundaries ng Ilocos Sur, Benguet

Taniman ng marijuana, winasak sa disputed boundaries ng Ilocos Sur, Benguet

July 16, 2022 @ 11:23 AM 1 month ago


ILOCOS SUR- Nagkakahalaga ng P2,200,000 ang winasak o sinunog ng mga awtoridad na fully grown marijuana plants mula sa nadiskubreng taniman ng marijuana sa disputed boundaries ng Suyo, Ilocos Sur at Kibungan, Benguet.

Nabatid na nagsasagawa ng dalawang araw (Abril 13-14) na Marijuana Eradication Operation sa kabundukan ng naturang lugar ang mga pinagsanib na puwersa mula sa Sugpon MPS (lead unit), PDEA RO1, Alilem MPS, ISPDEU/PIU, RID at 2nd ISPMFC nang madiskubre nila ang naturang taniman ng marijuana.

Ang tanimam ng marijuana ay nadiskubre sa disputed boundaries ng Sitio Nagawa, Brgy. Caoayan, Sugpon, Ilocos Sur at ng Sitio Culiang, Brgy. Tacadang Kibungan, Benguet; at Sitio Ogiyet, Brgy. Tacadang, Kibungan, Benguet.

Humigit-kumulang sa 10,150 na fully grown marijuana plants ang agad na pinagbubunot at sinunog ng mga awtoridad.

Walang nakita o nahuling cultivator ang mga awtoridad sa nataurang taniman ng marijuana. Rolando S. Gamoso