Tanod, 3 kasabwat arestado sa shabu

Tanod, 3 kasabwat arestado sa shabu

March 12, 2023 @ 12:25 PM 2 weeks ago


CAMARINES SUR- ARESTADO ang isang barangay tanod at tatlong kasama nito matapos makuhanan ng higit sa 15 gramo ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng awtoridad kahapon sa bayan ng Caramoan.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Richard Dianela, 47, barangay tanod sa Barangay 4, Garchitorena; Jose Fernan Llagas, 33; Gesel Angeles, 23; at Cyrus Kim Hernandez; 30.

Batay sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Camarines Sur, dakong 10:05 AM nadaki ang mga suspek sa barangay Oroc Osoc, sa nasabing bayan.

Nakuha sa mga suspek ang 15 grams ng shabu, aluminum foils at mga drug paraphernalia.

Sinabi ng pulisya, na si Dianela ay bisita sa nasabing drug den na pinapatakbo ni Llagas

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek./Mary Anne Sapico