Tanod, itinumba ng tandem

Tanod, itinumba ng tandem

July 4, 2022 @ 8:40 AM 1 month ago


ILOCOS SUR- Tigok ang isang Barangay Tanod matapos barilin ng riding-in tandem sa Brgy. Dardarat, Tagudin ng lalawigang ito.

Kinilala ang biktima na si Dante Julio aka “Ampi” , may asawa, residente at barangay tanod ng Brgy. Lacong ng naturang bayan.

Base sa ibinigay na pahayag ng isang saksi na nakausap ng mga miyembro ng Tagudin Municipal Police Station, nakarinig umano siya ng putok ng baril kaya lumabas siya para tingnan kung ano iyon.

Nagulat na lamang siya nang makita ang biktima na nakalupasay sa tricycle nito at naliligo sa sariling dugo.

Nakita pa umano ng witness ang mga hindi nakilalang suspek na magka-angkas sa isang motorsiklo na mabilis na tumakas papuntang hilagang direksyon.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Tagudin MPS para alamin kung ano ang motibo ng krimen at tuklasin kung sino ang mga suspek. Rolando S. Gamoso