Tanod, menor, 3 pa timbog sa P884K ‘tobats’

Tanod, menor, 3 pa timbog sa P884K ‘tobats’

December 8, 2021 @ 12:14 PM 10 months ago


MANILA, Philippines – Arestado ang ilang indibidwal kabilang ang barangay tanod matapos maaktuhang nag-aabutan ng ilegal na droga sa Quiapo, Maynila, Martes ng gabi.

Sinabi ni Manila Police Distric Stayion 3 Commande P/Lcol John Guiagui, kinilala ang target ng operasyon na si Luz Mayes na ipinagharap ng kasong pagbebenta ng iligal na droga

Arestado rin ang iba pang suspek na kinilalang sina Bobby Swing, barangay tanod ng Brgy. 547 Sampaloc; at taxi driver na Jeffrey Bobis ng Norzagaray, Bulacan.

Sangkot umano si Bobis sa paghahatid ng mga droga gamit ang minamanehong taxi na narekober ng pulisya.

Kasama ring dinampot ang isang kinse anyos na lalake na hinihinalang kasama ng grupo na ngayon ay itinurn over na sa Social Welfare Department.

Nasa 9 na sachet na tumitimbang ng 130 grams at nagkakahalaga ng P884,000 ang nakumpiska sa mga naarestong suspek.

 

Kumpiyansa ang Manila Police District Station 3 na nalansag nila ang isang grupo na sangkot sa pagpapakalat ng shabu sa lungsod. Jocelyn Tabangcura-Domenden