Tanod na taga-suporta ng NPA, patay sa pamamaril

Tanod na taga-suporta ng NPA, patay sa pamamaril

March 21, 2019 @ 9:09 AM 3 years ago


Sorsogon – Patay ang isang barangay tanod na pinaniniwalaan taga-suporta ng rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang suspek, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Sorsogon.

Kinilalang ang biktimang si Eufrecino Excija, 59-anyos, residente Brgy. Calongay, Pilar, Sorsogon.

Batay sa report ng Pilar Municipal Police Station, natagpuan na lamang ang bangkay ng biktima sa bulubundukin bahagi ng lugar na tadtad ng tama ng bala ng  .45 kalibire na baril at cal. 9mm.

Lumalabas sa imbestigasyon, kilala umanong taga suporta ng mga rebeldeng grupo ang biktima at posibleng ipinaligpit ito.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang pagsisiyasat ng pulisya hinggil sa insidente at inaalam na rin ang motibo sa nasabing insidente./Mary Anne Sapico