Tanong ng Akbayan: ‘May tangka ba sa buhay ni De Lima?’

Tanong ng Akbayan: ‘May tangka ba sa buhay ni De Lima?’

October 9, 2022 @ 3:34 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – May sadya bang tangka sa buhay ni dating Senador Leila de Lima?

Ito ang tanong ng grupong Akbayan matapos ma-hostage si de Lima ng ilang oras sa Camp Crame Custodial Center kaninang umaga, Oktubre 9.

Sa isang statement, sinabi ni Akbayan Party Executive Leader Perci Cendaña na hindi maiaalis na itanong kung sadyang may pagtatangka sa buhay ni De Lima dahil napakadali sa suspek na makapasok sa selda ng dating senador.

“Second pressing question needs to be asked: Was this a deliberate attempt at Senator De Lima’s life? It seems rather convenient that the suspect should take her hostage so easily,” ani Cendaña.

Iginiit ng Akbayan na dapat magkaroon ng malalimang imbestigasyon ang Philippine National Police upang hindi na maulit ang insidente.

Sinabi ni Cendaña na ang kritikal na paglabag sa seguridad sa mismong headquarters ay kakila-kilabot at isang kabiguan sa hanay ng pulisya.

Nanawagan na rin ang Akbayan sa agarang pagpapalaya kay de Lima dahil hanggang sa ngayon ay walang matibay na ebidensya na magpapatunay umano sa mga paratang laban dito. Teresa Tavares