Tanong ni Kuya Boy sa Bb. Pilipinas, nag-number 2 sa Twitter trending!

Tanong ni Kuya Boy sa Bb. Pilipinas, nag-number 2 sa Twitter trending!

July 12, 2021 @ 8:34 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Number 2 lang naman sa nag-trending sa Twitter si Boy Abunda nang maging celebrity guest panelist sa Binibining Pilipinas nitong July 11.

Sa mga napiling semi-finalists, ang nakabunot sa King of Talk ay si Karen Laurrie Mendoza, kinatawan ng Iloilo.

Obyus na sa bahay ni Boy kinunan nang sumalang na siya.

Bago magtanong, nagpasakalye muna ang TV host na madalas nating marinig na “It’s okay not to be okay,” saka niya binirahan ng tanong: “When is it not okay to be okay? And when is it not okay not to be okay?”

Sagot ng kandidata mula iloilo, “You know sometimes it’s hard especially if we lost our loved ones when you’re depressed, when you have anxiety and most of all if you want to move forward in life.”

Ikinowt pa nito ang saying sa isang Disney movie na, “Embrace your sadness” dahil sa ganoong paraan daw ay makakamtan ng tao ang kaligayahan pagkatapos.

Pinuri naman ng co-host ni Catriona Gray na si Nicole Cordoves ang pagiging “graceful” ng kandidata sa kabila ng pagiging “challenging” ng tanong ni Boy.

Suunud-sunod na memes na ang naka-post pagkatapos itong mag-trend, kabilang na ang pagiging tulala ni Olivia Culpo nu’ng mag-host ito ng nakaraang Miss Universe.

Chinallenge din ng isang netizen si Boy kung ano kaya ang isasagot nito sa sariling tanong. Ronnie Carrasco III