Taong-ICC aarestuhin ‘pag pumunta sa Pinas – Enrile

Taong-ICC aarestuhin ‘pag pumunta sa Pinas – Enrile

January 30, 2023 @ 3:36 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinalagan ni Presidential Chief Legal Counsel Secretary Juan Ponce Enrile  ang pagpupumilit ng International Criminal Court (ICC) para muling buksan ang imbestigasyon sa naging kampanya sa iligal na droga ng administrasyong Duterte.

Sa isang panayam kay Sec. Enrile sa PICC, sinabi nitong non- issue ang usapin at hindi aniya nila kahit kailanman napag-usapan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang bagay na ito.

Ang wika nito, kung gusto aniyang magsagawa ng imbestigasyon ng ICC ay kailangan munang humingi ng permiso nito.

Giit ni Enrile, walang dahilan para mag-imbestiga ang ICC gayong gumagana naman ang judicial system sa bansa.

Ang pahayag pa ng abogado ng Palasyo ng Malakanyang kung magpupumilit ang mga taga- ICC ang kanya itong ipapa-aresto.

“As the lawyer of the President, I will not allow, as far as I’m concerned, I will not recognize the jurisdiction of the International Criminal Court of justice. They have no sovereign power over us. If they will come here… If I were to be followed, I will cause their arrest,” ani Enrile. Kris Jose