Tapang at malasakit, maiiwang pamana ni PDu30- DILG

Tapang at malasakit, maiiwang pamana ni PDu30- DILG

April 21, 2022 @ 8:07 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Ang“Tapang at Malasakit” na itinuturing na signature governance hallmark ng kasalukuyang administrasyon ang maiiwang pamana ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakatakdang magtapos ang termino sa Hunyo 30, 2022.

Mananatili rin ito bilang ‘guidepost’ sa pagbibigay serbisyo sa mamamayang filipino hanggang sa matapos ang kanyang termino.

Sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya, habang nagsisilbi si Pangulong Duterte bilang lider ng bansa, magpapatuloy naman ang gampanin ng pamahalaan para turuan ang mga tao hinggil sa kanyang (Pangulong Duterte) pamana.

“When he steps down two months from now, Pres. Duterte will leave a legacy of courage in running against drug lords, drug peddlers, communist terrorist groups, and others who want to bring down the government, and the compassion shown through the establishment of 151 Malasakit Centers nationwide, helping typhoon victims and beneficiaries of the Pantawid Pamilyang Pilipino Program or 4Ps, giving the people free coronavirus disease 2019 (Covid-19) vaccines, and doubling the salary of the police and military members,” ayon kay Malaya.

“Hangga’t hindi siya bumaba sa puwesto, araw-araw meron serbisyo sa pamahalaan. Hanggang sa June 30, tuloy-tuloy ang Duterte Legacy Caravan,” dagdag na pahayag nito.

Sa kabilang dako, kasama si Malaya sa iba pang national officials sa Duterte Legacy Caravan sa Police Regional Office (PRO)-Central Visayas Headquarters sa Cebu City na dinaluhan din ng mga miyembro ng advocacy groups at force multipliers na tinawagan ng pansin ng kapulisan para sa mapayapa at maayos na kampanya doon.

Hinikayat ni Malaya ang mga Cebuanos na dalhin ang mensahe ng “Tapang at Malasakit” sa kani-kanilang mga tahanan.

Hangad naman ni Malaya na ipagpapatuloy ng susunod na administrasyon ang “banner of change” na sinimulan ni Pangulong Duterte. Kris Jose