Tapat na empleyado ng MCH, nagsoli ng bag na puno ng pera

Tapat na empleyado ng MCH, nagsoli ng bag na puno ng pera

July 6, 2020 @ 7:43 PM 8 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nanawagan ang lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa sinomang nawalan ng ng isang bag na may laman na malaking halaga ng pera na maaari itong makipag-ugnayan sa Manila City Hall upang mabawi muli ang kanyang pag-aari.

Ang naturang panawagan ay ginawa ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso kasabay sa isinagawang “flag raising ceremony” ngayong umaga sa Kartilya ng Katipunan kung saan binigyan nito ng pagkilala ang isang empleyado ng City Electrician Office na kinilalang si Miguel Francisco.

Ayon kay Domagoso, nakapulot umano ng isang bag na punong-puno ng pera si Francisco ngunit hindi umano nito inisip na angkinin at sa halip ay ipinagkatiwala niya umano ito sa opisina ng alkalde.

Ayon kay Francisco, natakot umano siya dahil sa laki ng halaga ng laman ng naturang bag bukod pa umano sa unang pumasok sa kanyang isipan na baka gamitin ang malaking halaga sa importanteng paraan.

Dahil dito, nanawagan ang Alkalde na maaaring makipag-ugnayan kay Ms. Weng Santiago ng Office of the Mayor ang may-ari ng naturang bag na may laman na malaking halaga ng pera.  Jay Reyes 

 

 


  •  
  •  
  •