GINAPAKO, GINAPALA ANG KASO NI PBBM

IBINASURA na ng Korte Suprema sa botong 13-0 ang dalawang petisyon o kahilingang kanselahin ang certificate of candidacy at idiskwalipika si President-elect Ferdinand ‘Bong’ Marcos o PBBM sa nakaraang halalang Mayo 9, 2022.
Kaya naman, wala nang balakid upang maging ganap na Pangulo ng Pilipinas si Pang. Marcos sa Hulyo 1, 2022.
Katwiran ng Hukuman, balido at naaayon sa batas ang COC ni Marcos at tama ang desisyon ng Commission on Elections na payagan itong kumandidato bilang Pangulo at hindi ring idiskwalipika.
Dalawa sa 15 Hukom ang hindi sumali sa paggawa ng desisyon dahil nakaupo na commissioner si Justice Antonio Kho nang magdesisyon ang Comelec sa kaso ni PBBM habang kapatid naman ni Justice Henri Inting ang Comelec Commissioner na si Socorro Inting.
GINAPAKO, GINAPALA
Sa Kabisayaan, popular na mga salita ang ginapako at ginapala.
Tanda ito ng todong pagsisipag gamit ang pako at pala para makamit ang isang layunin, halimbawa, ang magandang sahod o kita sa trabaho o tagumpay kaya sa isang layunin.
Ganito rin ang ginawa ng mga kontra kay Marcos nand dumating ang halalan.
Bago pa nga dumating ang paghahain ng kandidatura, naging pukpukan na ang sipag ng mga ito para siraan sa madlang pipol si PBBM.
Bukod sa paghahain ng nasabing mga kaso, sinamahan pa ang mga ito ng mga rali at katakot-takot na black propaganda sa media, kasama na ang social media.
Nang ibasura ang mga kaso ng Comelec, tumakbo sila sa Supreme Court at hiniling na pigilin ang National Board of Canvassers ang pagbibilang ng balota para kay Marcos subalit hindi sumang-ayon sa kanila ang SC.
Nitong huli, ginapako at ginapala ng Hukuman ang kaso.
‘Yun bang === isinilid sa kabaong ang mga kaso saka pinakuan ang takip nito at sumunod na rito ang paghuhukay lupa gamit ang pala para ilibing ang mga kaso.
LABAN-LABAN O MAKIISA NA LANG?
Sa paglabas ng desisyon, nagpahayag ang mga militante at ilang talunang politiko nang hindi pagsang-ayon sa desisyon ng mga Hukom at binabansagan pa nga ang mga ito na natiyope lang.
Ngunit magtatagumpay kaya ang mga ito na alam naman ng lahat na wala ni isang Pangulo ng bansa ang kanilang kinilala kahit kailan?
Kung iisipin, hindi basta nagdesisyon ang mga Hukom nang ganu’n-ganu’n lamang kundi sa mga batayang naaayon sa Konstitusyon at batas at mga ebidensya.
Hindi nagdedesisyon ang mga ito sa tulak ng hangin sa pulitika dahil kumakapit higit sila sa tinatawag na “rule of law” o pamamayani ng batas.
Kung magpapatuloy ang mga kontra-Marcos sa kanilang kawalan ng pagsang-ayon sa Hukuman, maaaring maharap sila sa milyon-milyong mamamayan na nagsasabing karapat-dapat na Pangulo si Ferdinand Romualdez ‘Bongbong’ Marcos sa susunod na anim na taon.
At hindi ang sinomang sinuportahan nila nitong nakaraang eleksyon na sa totoo lang, ay tumanggap na ng pagkatalo sa iba’t ibang pamamaraan.
Ang mabuti pa, magkaisa na ang lahat para masolb ang napakalalaking problema ng bansa gaya ng kagutuman, paghihirap at pandemya.
FERDINAND “BBM” ROMUALDEZ MARCOS, JR. ANG IKA-17 PANGULO NG PILIPINAS

Isang kasaysayan ang naganap ngayon alas-dose ng tanghali, nasaksihan ng buong mundo na hahalili na bilang ika-labingpitong Pangulo ng bansa si President Ferdinand “BBM” Romualdez Marcos, Jr., at magiging “Citizen Digong” na si outgoing President Rodrigo Roa Duterte.
Batid natin na ang Pangulo ng Pilipinas ang pinakamapangyarihang tao at numero unong Pilipino. Gumaganap siya bilang Chief Executive, Commander-in-Chief ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Philippine Coast Guard, at iba pang puwersa, at siyang chief diplomat ng bansa.
Sa Pangulo nakasalalay ang pang-araw-araw na pagpapatakbo ng kabuuang sistema ng bansa na nakaatang sa Executive Department. Sa buong araw, napupuno ang iskedyul niya ng mga pakikipag-usap sa kanyang Gabinete at iba pang mga opisyal, mga Ambassador, mga negosyante at mamumuhunan, mga ordinaryong mamamayan, pagsasalita sa iba’t ibang okasyon sa alinmang panig ng bansa, pagdalo sa mga pagtitipon ng world leaders, at pagharap sa mga papeles na nangangailangan ng kanyang pag-aksyon at lagda.
Ganito kahirap ang maging Pangulo, sa suweldong Php 411,382 pesos bawat buwan, nakaatang sa kanyang balikat ang kasalukuyan at hinaharap ng 109.58 milyong Pilipino na kada taon ay nadaragdagan ng 1.5 milyong bilang.
Sa loob ng 124 taon natin bilang malayang republika, labing-pito na ang naging Pangulo ng Pilipinas, at pinakahuli nga itong si President BBM na sa loob ng anim na taon ay uukit ng kanyang sariling kasaysayan bilang lider ng bansa.
Ang pagtatagumpay ng BBM administration ay malaking kapakinabangan sa bawat isa sa atin, kaya marapat lamang na ibigay natin ang ating buong suporta sa pinili ng mayorya ng ating mga mamamayan na manguna sa atin. Lalo pa’t pagkakaisa ang hangarin ng bagong administrasyon. Kailangan nating magsama-sama para sabay-sabay tayong makaahon mula sa matinding epekto ng coronavirus disease sa ating lahat.
Paniwala ng maraming political analyst, halos magkatulad din naman ang magiging pamamahala ng BBM administration sa papatapos na Duterte administration dahil halos parehas ang kanilang mga pinaniniwalaang prinsipyo sa mga isyu at usapin ng bansa.
Ang inaasahan lamang na pagkakaiba ay muling magbabalik ang mga nakagisnang “protocol” sa Malacañang Palace na hindi masyadong inalintana ni Pangulong Duterte dahil siya naman ay may sariling brand of leadership.
Inaasahan din na dahil sa malaking respeto ni President BBM kay Vice President Sara Duterte-Carpio, maliban sa pagiging DEPED o Department of Education secretary ay marami pa itong gagampanang mahalagang papel sa BBM administration.
PANGAKONG RETAIL AGGREGATION

Una, may dalawang Presidente ngayong araw – si Pangulong Duterte sa umaga at pagsapit ng tanghali, si Pang. “Bongbong” Marcos naman. Napakalaki ng inaasahan sa popular na anak na determinadong malinis ang apelyidong Marcos.
Hindi niya marahil hahangarin ang maging Pangulo sa panahon ng matinding krisis kaya naman maging ang nasa 31 milyong Pilipino na bumoto sa kanya ay naghahangad ng mas paborableng sitwasyon kumpara sa bago pa magkapandemya.
At dahil nasa iisang bangka lang naman tayo, umaasa akong tutuparin ng bagong administrasyon ang mahabang listahan nito ng magagandang ipinangako noong nangangampanya pa.
* * *
Kabilang dito ang pangakong aayusin at palalakasin ang sektor ng enerhiya upang maisakatuparan nito ang sapat na suplay sa harap ng lumalaking pangangailangan ng bansa sa kuryente.
Ang interesante rito, nagsimula nang baguhin ng Energy Regulatory Commission (ERC), katuwang ang power retailer na Meralco, ang mga supply contract para magkaroon ng mas murang singil at serbisyo sa consumers.
Noong nakaraang linggo, inihayag ng ERC na inaprubahan na ang mga patakaran sa retail aggregation sa ilalim ng Retail Competition and Open Access (RCOA), na nagpapahintulot sa mga kumokonsumo ng kuryente sa iisang lugar, gaya sa eskuwelahan o subdibisyon, na pag-isahin ang kanilang pangangailangan at direktang makipagtransaksiyon sa pinili nilang power provider.
Bilang panimula, lumagda ang University of the Philippines at Meralco sa isang memorandum of understanding para sa implementasyon ng retail aggregation. Pagsasama-samahin nito ang 149 customer accounts sa loob ng UP Diliman – na may power requirement na 4.27 MW – para makatipid sa konsumo kaya maaari nang makipagnegosasyon ang campus para sa mas mababang singil sa kuryente.
Sa MOU na ito, umaasa si ERC Chairperson at CEO Agnes Devanadera na mahihimok ang mga kuwalipikadong kumokonsumo ng kuryente – mga condominium, mall, economic zone, at iba pang ang pinakamababang nakokonsumo ay nasa 500 KW – sa benepisyo ng retail aggregation at ng pagiging palabang customer.
Sa kasalukuyan, karamihan ng household consumers na hindi nakatira sa mga subdibisyon o condominium ay posibleng hindi kuwalipikado sa paraang ito. Maaari pa nga itong ituring ng iba bilang uri ng diskriminasyong panlipunan.
Sa kabila nito, kumpiyansa ang Firing Line sa pangmatagalang commitment ng ERC at Meralco na pag-iibayuhin ang mga alok na serbisyo sa mga kumokonsumo ng kuryente.
Ang retail aggregation ay isang malaking hakbangin patungo sa wastong direksiyon. At ngayong determinado ang Meralco na tuloy-tuloy na makikibahagi sa paghahanap ng mga paraan upang mabigyan ng mas maraming pamimilian ang mga consumers, nangangako ang mekanismong ito na maipatutupad din sa kabahayan kalaunan.
Huwag nating kalilimutan na sinimulan ng industriya ang retail aggregation sa malalaking customer – sa industrial at commercial sector. Sa ngayon, ang modelong ito ay ginagamit na rin sa antas ng residential. Sa puntong ito, masasabing isa itong pangako na isasakatuparan ang pagkakaroon ng mas tipid pero mas maaasahan at mas matatag na serbisyo ng kuryente.
* * *
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.
FISH KILL SA BATANGAS

MATINDI ang epekto ng fish kill kamakailan sa Palico River, Lian, Batangas. Bumagsak ang kabuhayan ng ating mga kababayang umaasa sa yaman ng ilog doon.
Habang isinusulat ang kolum na ito, wala pa tayong masasabing matibay na dahilan ng pagkamatay ng maraming isda at pag-alingasaw ng masangsang na amoy mula sa ilog.
Hindi man ganu’n karami ang mga namatay na isda, naitala ang isang kaso ng fish kill sa isla ng Tingloy, Batangas noong September 2020. Nagdulot ito ng malaking pangamba para sa mga residente at mangingisda.
Noong July 2021, halos 100M tonelada ng isda na nagkakahalaga ng P9M ang nasayang sa fish kill sa Taal Lake na nasasakupan ng Talisay, Batangas. Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Calabarzon Region, walang direktang kinalaman sa fish kill ang ibinubugang asupre ng bulkan. Naobserbahang mataas ang level ng ammonia at may presensiya ng organic matter sa ilalim ng lawa.
Ayon sa mga eksperto, isa sa dahilan ng fish kill ang pagbaba ng oxygen level sa katubigan dulot ng pagdami ng lumot, overpopulation at pagtaas ng water temperature. Maaari ring ikamatay ng isda ang infectious diseases, parasites at pagkalason dulot ng aquatic pollution.
Tinatawag na aquatic pollution ang direkta o hindi direktang spillage o discharge ng mga substance tulad ng kemikal o enerhiya sa aquatic environment na magdudulot ng malaking panganib at masamang epekto sa pangkabuhayan. Mababasa natin ang kumpletong depinisyon nito sa Republic Act No. 8550 o mas kilala sa tawag na Philippine Fisheries Code of 1998 na ipinatutupad ng Department of Agriculture. Mayroon din tayong Republic Act 6969 o Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Wastes Control Act of 1990 na ipinatutupad naman ng Department of Environment and Natural Resources. May nakalaang parusa at multa para sa mga susuway sa batas.
Mahalagang isagawa ang masusing imbestigasyon upang matukoy ang ugat ng problema at solusyon at upang mawala na rin ang pagtuturuan at agam-agam ng mga residente at mangingisda sa mga katubigan ng lalawigan ng Batangas.
888
Pagbati para sa ating susunod na Pangulo at Pangalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas, Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte. MABUHAY!!!
IBANG KLASENG OPISYAL NG PNP
