Tapyas-presyo sa langis ikakasa sa Martes- DOE

Tapyas-presyo sa langis ikakasa sa Martes- DOE

March 21, 2022 @ 10:10 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Inaasahan ng Department of Energy (DOE) ang rollback sa presyo ng langis, bukas, araw ng Martes, “as conditions are getting better,” ayon kay Undersecretary Gerardo Erguiza nitong Lunes.

Inilahad ni Erguiza na posibleng bumaba ang rpesyo ng gasolina ng P6, halos P12 sa diesel, at P9 naman sa kerosene.

“Meron nang estimate. Nilabas na rin ng industry. Natapos na yung average. So more or less ang lumalabas sa gasoline is almost P6, diesel is more than P11 almost 12, and kerosene is almost P9,” aniya.

Pinaalalahanan naman ni Erguiza ang publiko na bagama’t bumubuti na ang kondisyon sa suplay ng langis, nananatiling pabago-bago ang presyo nito.

“Hopefully po. We cannot really speculate at this point but the conditions around are getting better. Medyo lumuluwag yata ang supply,” pahayag ni Erguiza.

“But at the end of the day, alam po natin na napaka-volatile ng situation. Ngayon medyo nakatulong din. Siguro we can only say dahil dito sa mga events na na-attribute sa China, may pandemic so economic activity nila bumababa. Sa Japan din nagkaroon ng earthquake may dalawang refinery plant doon,” dagdag niya.

Noong isang linggo ay nagkaroon ng malakihang pagtaas sa presyo ng langis kada litro kung saan nadagdagam ng P13.15 ang diesel, P7.10 ang gasolina, at P10.50 ang kerosene. RNT/SA