Tapyas-presyo sa langis inaasahan sa sunod na linggo

Tapyas-presyo sa langis inaasahan sa sunod na linggo

September 24, 2022 @ 2:50 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Batay sa pagtataya ng Unioil Petroleum Philippines, magkakaroon ng panibagong round ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo simula sa Martes.

Base sa Unioil, inaasahang magbababa ang fuel firms ng per-liter prices ng diesel ng ₱1.20 hanggang ₱1.30 simula sa Setyembre 27.

Inaasahan namang bababa ang presyo ng gasolina ng ₱1.50 hanggang ₱1.60 kada litro, habang hindi naman binanggit ng Unioil ang estimated adjustments para sa presyo ng kerosene.

Nitong linggo ay nagkaroon ng tapyas-presyo sa per-liter prices ng diesel ng ₱4.15 at kerosene prices ng ₱4.45.

Samantala, simula sa Oktubre 3, ang base fares para sa mga jeep at iba pang uri ng public transportation ay magtataas ng ₱1 hanggang ₱5 dahil sa paggalaw ng presyo ng langis. JAY Reyes