Tapyas-presyo sa LPG kasado ngayong Oktubre uno

Tapyas-presyo sa LPG kasado ngayong Oktubre uno

October 1, 2022 @ 10:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Bumungad sa mga consumer ngayong buwan ng Oktubre ang mas mababang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG).

Sa abiso nitong Biyernes, inanunsyo ng Petron Corporation na ang bawas sa presyo kada kilo ng household LPG ng P2.55, na epektibo naman kaninang alas-12:01 ng madaling araw.

Katumbas ito ng P28.05 tapyas-presyo para sa tipikal na 11-kilogram LPG tank. 

Babawasan din ng Phoenix Petroleum at Solane ang LPG prices ng P2.55 kada kilo ngayong araw.

Samantala, magpapatupad ang Petron at Phoenix Petroleum, ng price rollback sa kanilang Auto LPG ng P1.43 kada litro.

“These reflect the international contract price of LPG for the month of October,” ayon sa Petron.

Makikita sa datos mula sa Department of Energy na ang retail prices para sa isang 11-kilogram household LPG cylinder ay pumapalo sa P838 hanggang P1,024. RNT/SA