Tapyas-presyo sa produktong petrolyo, aarangkada sa Martes

Tapyas-presyo sa produktong petrolyo, aarangkada sa Martes

September 26, 2022 @ 12:40 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Magpapatupad muli ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas ng umaga.

Sa inilabas na abiso ng mga kompanya ng langis na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum ay magpapatupad sila ng oil price rollback na P1.65 sa kada litro ng gasolina, P1.35 sa kada litro ng diesel, at P1.35 sa kada litro naman ng kerosene epektibo alas-6 ng umaga.

May bawas presyo din sa kahalintulad na halaga ng diesel at kerosene ang kompanyang Caltex (CPI) at Cleanfuel epektibo alas-12:01 ng madaling araw.

Ang ipatutupad na bawas presyo ng diesel at kerosene ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

Matatandaan na nitong nakaraang linggo ay nagpatupad ng bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa na P4.15 sa kada litro ng diesel at P4.45 sa kada litro ng kerosene habang wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina. JAY Reyes