Tapyas-presyo sa produktong petrolyo, inaasahan sa sunod na linggo

Tapyas-presyo sa produktong petrolyo, inaasahan sa sunod na linggo

February 25, 2023 @ 12:52 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Matapos ang dalawang magkasunod na taas-presyo ngayong buwan, inaasahang tatapyasan ang fuel prices sa susunod na linggo, base sa oil industry forecast nitong Sabado.

Sa abiso ng Unioil Petroleum Philippines, sinabi nito na posibleng bumama ang diesel prices ng ₱1.20 hanggang ₱1.40 kada litro, habang ang presyo ng gasolina ay posibleng bawasan ng ₱0.70 hanggang ₱0.90 kada litro.

Epektibo ang adjustment sa Feb. 28 hanggang March 6, 2023.

Batay sa pinakabagong oil monitoring ng Department of Energy (DOE), ikinasa ng oil ang per liter increase na ₱0.90 para sa gasolina at ₱1.05 para sa diesel na epektibo noong Feb. 21.

Samantala, tinapyasan ang presyo ng kerosene ng ₱0.25 kada litro.

“These resulted in a year-to-date net decrease for diesel at ₱1.10 per liter and kerosene at ₱0.50 per liter,” saad sa DOE report. “Gasoline on the other hand has a net increase of ₱6.00 per liter.” RNT/SA