Tapyas-presyo sa produktong petrolyo nakaaba ngayong linggo

Tapyas-presyo sa produktong petrolyo nakaaba ngayong linggo

July 25, 2022 @ 12:02 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Batay sa inilabas na abiso ng mga kompanya ng langis na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum magpapatupad sila ng malakihang bawas presyo na P0.40 sa kada litro ng gasolina, P1.85 sa kada litro ng diesel at P1.30 naman sa kada litro ng kerosene na magiging epektibo alas-6 ng umaga.

Magpapatupad din ng oil price rollback sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex (CPI) na naging epektibo alas-12:01 ng madaling araw habang ang kompanyang Cleanfuel ay magiging epektibo alas-8:01 ng umaga.

Ang ipatutupad na bawas presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

Nabatid na ito na ang ika-apat na sunod na linggong bawas presyo sa produktong diesel at kerosene habang nasa tatlong sunod na linggo naman sa produktong gasolina.

Matatandaan na nito lamang nakaraang linggo ay nagpatupad ng bawas presyo na P5.00 sa kada litro ng gasolina, P2.00 sa kada litro ng diesel at P0.70 naman sa kada litro ng kerosene. JAY Reyes