Tapyas sa presyo ng petrolyo, inaasahan

Tapyas sa presyo ng petrolyo, inaasahan

October 21, 2022 @ 4:54 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Makakahinga ng maluwag ang mga motorista makalipas ang dalawang sunod na taas-presyo sa mga produktong petrolyo.

Ito ay dahil mayroong inaasahan na tapyas sa presyo nito sa susunod na linggo ayon sa oil industry sources.

Batay sa oil trading sa nakalipas na apat na araw o mula Oktubre 17 hanggang 20, posibleng magbawas sa presyo ng diesel ng aabot sa P0.40 hanggang P0.70 kada litro.

Posible rin ang P0.20 hanggang P0.50 kada litro na bawas sa kada litro ng gasolina.

“Mataas ang indikasyon na magkaka-rollback [next] week,” ani Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad sa panayam ng DZBB.

Karaniwan inaanunsyo ng mga kumpanya ng langis ang price adjustment tuwing Lunes at ipinatutupad naman sa kasunod na araw.

Matatandaan nitong Martes, Oktubre 18 ay nagpatupad ng P0.80 taas presyo kada litro sa gasolina, P2.70 dagdag sa kada litro ng diesel at P2.90 sa kada litro ng kerosene ang mga kompanya ng langis. RNT/JGC