Tapyas sa presyo ng petrolyo posible sa susunod na linggo

Tapyas sa presyo ng petrolyo posible sa susunod na linggo

October 28, 2022 @ 6:56 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Inaasahan na naman ang bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ito ang inihayag ng oil industry source batay sa palitan ng langis sa nakaraang apat na araw kung saan inaasahan ang nasa P0.60 hanggang P0.95 kada litro na tapyas sa diesel.

Samantala, ang presyo naman ng gasolina ay inaasahang babawasan ng P0.30 hanggang P0.60 kada litro.

Karaniwang nag-aanunsyo ng price adjustment ang mga kompanya ng langis tuwing Lunes at ipinatutupad naman ito sa kasunod na araw.

Matatandaan nitong Oktubre 25 ay nagpatupad din ng bawas-presyo sa produktong petrolyo kung saan ipinatupad ang P0.30 tapyas sa kada litro ng gasolina, P1.10 kada litrong tapyas sa diesel at P0.45 tapyas sa kada litro ng kerosene. RNT/JGC