Tapyas-taripa sa imported baboy, inatas ni Duterte

Tapyas-taripa sa imported baboy, inatas ni Duterte

April 8, 2021 @ 8:06 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Nagpalabas si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng isang executive order (EO) na pansamantalang magbabago sa presyo ng import duty ng pork products para tugunan ang epekto ng African swine fever (ASF) sa hog industry sa bansa.

Sa ilalim ng EO 128, binigyang diin ni Pangulong Duterte ang pangangailangan na kaagad na gumawa ng hakbang para payagan ang domestic swine industry na maka-recover ng husto at makamit ang sapat na local pork production.

Dahil dito, inaprubahan ng Chief Executive ang panukala ng National Economic and Development Authority’s (NEDA) na temporary reduction ng Most Favored Nation (MFN) tariff rates sa “fresh, chilled, o frozen pork products.”

“There is an urgent need to temporarily reduce the Most Favored Nation tariff rates on fresh, chilled or frozen meat of swine to address the existing pork supply shortage, stabilize prices of pork meat, and minimize inflation rates,” ang nakasaad sa EO.

Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang executive order na pansamantalang nagpapababa ng import taxes sa pork products para mapatatag ang supply at presyo nito sa bansa.

Ang desisyong ito ng Pangulo ay kasunod ng hiling ng Kongreso na itaas ang Minimum Access Volume (MAV) para sa pork imports ngayong taon sa 350,000 metric tons.

Sa ilalim ng EO No. 128, inaprubahan ng Pangulo na bawasan ang import tariff para sa fresh, chilled o frozen pork sa 5-percent mula sa 30% sa ilalim ng MAV quota sa loob ng tatlong buwan.

Ang rate ay tataas sa 10% sa susunod na siyam na buwan hanggang sa makabalik ito ng 30% tariff rate.

Para sa pork imports na lagpas sa quota, ang tariff rate ay itatapyas sa 15% mula sa 40% para sa unang tatlong buwan.

Itataas ito sa 20% sa susunod na siyam na buwan hanggang sa makabalik sa 40%

Batid ni Pangulong Duterte na aabutin ng ilang buwan bago makarekober ang local swine industry at maabot ang sapat na local pork production.

EO 128 reduces tariff rates for both in-quota and out-quota imports of pork to boost pork supply in the country and tame prices of pork products.

Ang African Swine Fever (ASF) ay nag-iwan ng matinding epekto sa local hog industry.

Ang EO ay pinirmahan ni Pangulong Duterte nitong April 7 at agad na magiging epektibo matapos itong mailathala sa Official Gazette o sa iba pang pahayagan.

Magiging epektibo ang EO sa loob ng isang taon.

“The government recognized the need to immediately address the current shortage in swine meat, and endeavors to strengthen food supply to ensure that Filipinos have equitable access to food, particularly meat,” ang nakasaad pa rin sa EO. Kris Jose


  •  
  •  
  •