Tara G at mag-senti sa Hugot Cafe!

Tara G at mag-senti sa Hugot Cafe!

July 18, 2018 @ 12:17 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – At dahil tag-ulan na at panahon nanaman ng pagdadrama, ibibida natin ang isa sa mga tambayan ng mga sawi at pwede ring mga feeling sawi sa Tondo, Manila. Tara G sa Hugot Cafe!

Ano man ang relationship status, heartbreak o love problem mo, may order na siguradong swak sa feelings mo! Hindi pa masakit sa budget gaya ng ginawa niya sayo.

Hugot cafe

Available rito ang Corndogs na makakapag-define ng relationship status mo mapa-Single (P45), In a relationship (P60) o It’s complicated pa yan (P75).

Para sa mga sinukuan, meron ditong Kapeng Matapang Kaya Ka Ipaglaban (P40) na gawa pa sa Sagada coffee beans. Dito ka rin makakaexperience ng pinaghalong sakit at tamis in one sip, sa kanilang Walang Tayo cookies & cream hugot shake (P90).

Para naman sa mga nasaktan ng mga katagang “hanggang friends lang tayo” narito ang Binestfriend cheese fries (P65) at Friendzone strawberry hugot shake (P90) para sayo!

Bukod sa family o friends mo, pwede mo ring isama rito ang nanakit sa puso mo! Bigyan mo siya ng Paasa mocha hugot shake (P90) o kaya Pa-fall coffee crumble hugot shake (P90).

Pero okay lang din naman kung wala kang kasama sa pagpunta sa Hugot Cafe na ito, dahil bukod sa Single Corndog nila na nababagay sa’yo, namnamin ang pagiging alone at paghugot sa kanilang Loner waffle (P50).

Busog na ang tiyan mo, busog pa ang mga mata at puso mo sa iba’t-ibang hugot na makikita at mababsa mo sa kanilang Hugot wall. Kung gusto mong itodo ang paghugot, pwede ka rin makinig at manuod sa kanilang Open Mic Nights at Acoustic Jam Sessions.

Alamin ang iba pang makabagbag-damdaming menu sa pinakauna nilang branch sa 2nd floor XRC building, 3702 Hermosa corner Limay street sa Tondo.

Bukod dito ay may iba pa silang official branch na pwedeng paghugutan sa Malabon, Fairview, Lipa, Paranaque, Las Pinas, Alabang at Angeles, Pampanga. (Remate News Team)