Target collection ng BOC lagpas sa Enero 2022

Target collection ng BOC lagpas sa Enero 2022

February 3, 2022 @ 12:20 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Sa kabila ng kinakaharap na pandemya sa bansa dulot ng COVID-19, nalagpasan ng Bureau of Customs (BOC) ang target na koleksyon nitong unang buwan ng taon 2022 ng higit P6 bilyon o higit 11%.

Ayon sa BOC, nakakolekta sila ng kabuuang P58.158 bilyon kumpara sa target nitong P52.123 bilyon nitong Enero 2022.

Batay sa ulat ng BOC-Financial Service, 14 sa 17 collection districts ang nakaabot sa target na koleksyon kabilang na dito ang Ports of San Fernando, POM, MICP, Batangas, Legaspi, Iloilo, Cebu, Surigao, Zamboanga, Davao, Subic, Clark , Aparri at Limay.

Noong nakaraang taon, nalampasan ng bureau ang taunang revenue collection target ng +4.7% o P29.036 bilyon, na nakakolekta ng kabuuang P645.785 bilyon kumpara sa P616.749 bilyon target nito, batay sa preliminary report mula sa BOC-Financial Service.

“The positive revenue collection performance is attributed to the improved valuation. Intensified enforcement against illegal importations, improved compliance by traders to customs laws, the gradual improvement of importation volume, and the government’s effort in ensuring unhampered movement of goods domestically and internationally,” saad ng BOC. JAY Reyes