Target collection nitong Mayo 2021, nalagpasan ng BOC

Target collection nitong Mayo 2021, nalagpasan ng BOC

June 2, 2021 @ 12:53 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Sa kabila ng kinakaharap na pandemya ng bansa dulot ng COVID-19, nalagpasan ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang target collection nitong Mayo 2021.

Batay sa ulat ng BOC Financial Service, nalagpasan ng higit 6.6% o P3.05 bilyon ang target nilang koleksyon kung saan ito na umano ang ikalimang magkakasunod na buwan mula Enero taon kasalukuyan.

“The P49.334B collection against the P46.276B target collection includes additional revenues from the Tax Expenditure Fund (TEF) collection of P50.16million and Post Clearance Audit Group (PCAG) collection of P86.26 million,” saad ng BOC.

Batay sa ulat, labindalawa mula sa labimpitong collection districts ang lumampas sa kanilang target para sa buwan ng Mayo at ito ang mga sumusunod: Port of San Fernando, Port of Manila MICP, Port of Batangas, Port of Legaspi, Port of Iloilo, Port of Tacloban, Port of Surigao, Port of Cagayan de Oro, Port of Davao, Port of Subic, at Port of Clark.

“As of date, the Bureau of Customs collected P249.793 billion since January reflecting the 40.50% of the 2021 target collection of P616.749 billion,” dagdag pa ng BOC.

Pinuri naman ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang mga pagsisikap ng mga District Collector gayundin ang mga kawani ng Bureau of Customs na sa kabila ng peligro sa kanilang kalusugan at kaligtasan ay nagpapakita pa din sila ng dedikasyon sa serbisyo.  JAY Reyes