Target na 40M COVID dose naiturok bago ang schedule – NTF  

Target na 40M COVID dose naiturok bago ang schedule – NTF  

September 18, 2021 @ 12:25 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Naiturok na ang nasa 40 milyong dose ng coronavirus disease (COVID-19) bago pa ang itinakdang schedule nito, batay sa National Task Force (NTF) Against COVID-19.

Sinabi ni Sec. Carlito Galvez Jr., vaccine czar at chief implementer of the National Task Force (NTF) Against COVID-19, nakamit ito noong Setyembre 15 kung saan naiturok ang 40,033,388 COVID dose.

“Ang inaasahan namin na 40 million administration, ang projection namin ay end of September. Talagang nahatak natin, nakuha nang mas maaaga.”

Base sa National Vaccination Operations Center (NVOC), nasa 40,518,845 dose na ang naiturok sa buong bansa.

“We are looking forward that by the end of September, more than 20 million people will be fully vaccinated,” dagdag pa ni Galvez. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •