Target na 54M fully-vaxxed Pinoys sa pagtatapos ng taon kayang abutin

Target na 54M fully-vaxxed Pinoys sa pagtatapos ng taon kayang abutin

December 8, 2021 @ 5:40 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Kumpiyansa ang gobyerno na maaabot ng bansa ang target na 54 milyong Pilipino na maging fully vaccinated sa katapusan ng taon, ayon kay acting presidential spokesman Karlo Nograles.

“By December 31 of 2021, we are all confident that we will surpass the (target of) 54 million fully vaccinated (persons), especially if we get the same support or even much more support for this second round of Bayanihan Bakunahan,” lahad nito sa CNN’s The Source.

Maaalalang unang idinaos ang vaccination drive mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1 na nakapagbakuna ng 9.9 milyong Pilipino.

Nakatakda naman ang ikalawangBayanihan Bakunahan sa Disyembre 15 hanggang 17.

 “So, sa (in the) second round, the focus is for those who need their second dose.” RNT/FGDC