Target na koleksyon ng BOC sa Oktubre, nalagpasan

Target na koleksyon ng BOC sa Oktubre, nalagpasan

November 3, 2022 @ 3:26 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Lumagpas ng higit P11 bilyon na kita ang Bureau of Customs (BOC) o 18.6 porsyento na mas mataas mula sa target nitong koleksyon na P63.7 bilyon sa buwan ng Oktubre ng kasalukuyang taon.

Batay sa ulat ng BOC, nakakolekta ang nasabing ahensiya ng gobyerno ng kabuuang kita na P75.5 bilyon nitong buwan ng Oktubre sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Yogi Filemon Ruiz.

Kung ikukumpara ang koleksyon ng BOC na P56 bilyon noong Oktubre 2021 at P75.5 bilyon sa parehong panahon ngayong 2022, lumaki ang kita ng P19.6 bilyon kung saan tumaas ito ng 35 porsiyento.

“From January to October, the BOC collected P714.3 billion cumulatively and exceeded the P602.8 billion target by P111.5 billion or 18.5 percent. Compared to last year’s P525.4 billion collection, revenues grew by 37 percent or by P188.9 billion,” saad ng BOC.

Tiniyak naman ng BOC na patuloy ang kanilang isinasagawang kampanya laban sa mga revenue leakages, corruption, at smuggling habang mas pinapadali naman nila ang proseso dito. JAY Reyes