Kampanya ni PBBM sa food security, suportado ng beauty queen

March 29, 2023 @7:56 PM
Views: 20
MANILA, Philippines – Isang beauty queen ang todo-suporta sa adbokasiya ng administrasyong Marcos na may kinalaman sa food security.
Ayon sa naging pambato ng Pilipinas sa kamakailang Miss Universe pageant na si Princess Marcos, nagtutugma ang kanilang itinataguyod na adbokasiya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr hinggil sa pagtiyak na may pagkain sa hapag-kainan ng bawat Filipino.
Sinabi ng beauty queen na kanyang nauunawaan ang pagpupunyagi at pagsisikap ng Pangulo na mapatatag ang food security ng bansa gayung ito rin aniya ang kanyang nabigyang-diin sa kanyang naging paglahok kamakailan sa nasabing prestihiyosong beauty pageant.
Sinabi ng naging pambato ng Pilipinas sa Miss Universe na bilang isang advocate ng nasabing programa ng Marcos administration ay handa siyang tumulong sa pamahalaan sa harap na din ng kanyang ginagawang pagtataguyod sa larangan ng pagsasaka na siya ring pinalalakas ng gobyerno.
Hindi naman nabanggit kung ano ang koneksiyon ng beauty queen na si Princess Marcos sa Pangulo na isang tubong Bulacan at aktibo sa farming. Kris Jose
Kahalagahan ng Palm Sunday, ipinaliwanag!

March 29, 2023 @7:43 PM
Views: 15
MANILA, Philippines – Ipinaliwanag ni Calookan Bishop Pablo ng Bishops Conference of the Philippines ang mga simbolo sa makahulugang pagpapakasakit ni Hesus para sa kaligtasan ng sangkatauhan tungkol sa nalalapit na pagdiriwang ng Simbahang Katoliko sa rurok ng pananampalataya ng Katoliko.
Sa programang Pastoral visit on-the-air sa Radio Veritas, sinabi ni Bishop David na ang Linggo ng Palaspas o Palm Sunday ay tinatawag bilang Passion Sunday – o ang pagsisimula ng Mahal na Araw-ang pasyon ni Kristo.
Naging tanyag ito bilang ‘Palm Sunday’ na ayon sa kasaysayan ay ang pagsalubong ng mga tao kay Hesus tangan ang dahon ng olibo.
“Sa liturgical calendar of the church, it is not Palm Sunday but Passion Sunday at ito na yung beginning ng Commemoration of Passion Death and Resurrection of the Lord Jesus Christ that begins with triumphant of Jesus sa Jerusalem at ‘yun ang simula ng kwento ng mga ebanghelyo tungkol sa passion of Jesus,” paliwanag ni Bishop David.
At katulad ni Kristo, sinabi ng Obispo na ang dahon ng olibo ay karaniwan ding makikita na tangan ng mga martir ng simbahan na nangangahulungan ng pakikiisa sa paghihirap ng Panginoon.
Ipinaliwanag din ng Obispo na ang asno at hindi kabayo ang sinakyan ni Kristo sa pagpasok sa Herusalem, dahil ang batang asno ay simbolo ng kapayapaan.
“Galing ito sa Zechariah 9:9 doon galing yung image of non-violence parang the Lord coming riding on a colt ibig sabihin hindi siya magdadala ng kaharasan. Hindi siya gagamit ng sandata and magiging consistent ang Panginoon doon sa message niya nung non-violence,” ayon kay Bishop David.
Habang ang kabayo ay karaniwang ginagamit ng mga sundalo na may tangang armas pandigma.
Ang mga simbolo ay nagpapakita na si Hesus na bagama’t hari ng santinakpan ay dumating sa Herusalem, hindi para iligtas ang mga tao mula imperyo sa pamamagitan ng karahasan bagkus ay ang pagtalima sa nais ng Ama para sa kaligtasan at katubusan ng sangkatauhan mula sa pagkakasala. Jocelyn Tabangcura-Domenden
SSS, BI lumagda ng kasunduan sa social security coverage ng contractual employees

March 29, 2023 @7:30 PM
Views: 19
MANILA, Philippines – Lumagda ng isang Memorandum of Agreement ang Bureau of Immigration (BI) at Social Security System (SSS) sa BI main office sa Intramuros, Manila na magbibigay ng social security coverage sa mga job order at contract of service workers sa nasabing ahensiya ng gobyerno.
Nabatid kina SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet at BI Commissioner Norman G. Tansingco na hindi bababa sa 800 job order at contract of service workers na naglilingkod sa immigration regulatory body ang makikinabang sa nasabing programa.
Sa ilalim ng nasabing kasunduan, ang mga job order at mga contractual ng BI ay makakakuha ng SSS coverage sa ilalim ng KaSSSama sa Coverage Program.
Sa ilalim ng programa, ang mga manggagawang ito ng BI ay mauuri bilang mga self-employed na miyembro ng SSS.
Nakasaad din sa kasunduan na ang BI ay magsisilbing Coverage and Collection Partner ng SSS.
Dahil dito, pinahintulutan ng SSS ang BI na kolektahin at ipadala ang buwanang kontribusyon ng mga manggagawang ito sa pamamagitan ng salary-deduction scheme.
“The SSS aims to secure the future of all job order and contract of service workers in government agencies nationwide. Although these employees work in government offices, they are considered private self-employed members and are not covered by the Government Service Insurance System,” ani Macasaet.
Paliwanag ni Macasaet, bilang mga self-employed na miyembro ng SSS, sila ay may karapatan na makatanggap ng social security benefits tulad ng sickness, maternity, disability, retirement, funeral at death benefits.
Makakakuha din sila ng karagdagang coverage mula sa Employees’ Compensation Program (ECP) para sa mga contingencies na nauugnay sa trabaho.
Bukod dito, maaari silang mag-apply para sa iba’t ibang member loan na inaalok ng SSS tulad ng salary at calamity loan.
Nagpasalamat naman si Commissioner Tansingco sa SSS sa pagdadala ng mga benepisyo sa social security sa kanilang job order at contract of service workers na kanilang maaasahan sa mga oras ng contingencies.
Samantala, bumisita si Macasaet sa KaSSSama sa Coverage Program servicing counter na itinakda para sa okasyon sa punong tanggapan ng BI sa Intramuros, Maynila.
Ang mga tauhan ng SSS mula sa SSS Manila Branch ay namamahala sa online at onsite servicing counter upang tulungan ang mga manggagawa ng BI sa paggawa ng online na account sa SSS sa pamamagitan ng My.SSS facility, pagpaparehistro sa SSS bilang self-employed na miyembro, pagbuo ng Payment Reference Number para sa pagbabayad ng kontribusyon, pag-verify ng member’s mga talaan, at pagsagot sa mga katanungan sa iba’t ibang benepisyo at programa ng pautang ng SSS.
Nabatid na simula nitong Disyembre 2022 ay nakikipagtulungan na ang SSS sa 1,531 local government units (LGUs), 499 national government agencies, 111 state universities and colleges (SUCs), at 68 local water districts na sumasaklaw sa job order at mga contract of service worker sa pamamagitan ng KaSSSama sa Coverage Program na may kabuuang koleksyon na lampas sa P5.5 bilyon. JAY Reyes
Kambal patay, 26 sugatan sa tumaob na trak

March 29, 2023 @7:17 PM
Views: 23
ZAMBOANGA CITY – Patay ang kambal na babae habang sugatan ang 26 na iba pa matapos tumaob at nagpagulong-gulong ang sinasakyan nilang trak umaga ng Miyerkules, Marso 29, sa lungsod na ito.
Kinilala ang nasawi na isa sa kambal na si Nursiya Taring, habang inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng kapatid nito.
Patuloy namang ginagamot sa Zamboanga City Medical Center ang mga sugatan kabilang ang driver ng trak na kinilalang si Banny Molina Martinez Jr., 26, lahat ay mga trabahador ng Aquatic Food Manufacturing Corp., sa naturang lungsod.
Ayon kay Lt. Col. Paul Andrew Cortes, ng Zamboanga City-PNP, bandang alas-5 ng umaga nang maganap ang insidente sa kalsadang sakop ng Barangay Sangali, ng nasabing lungsod.
Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, sakay ang mga biktima ng company truck papasok sa trabaho nang mawalan umano ng kontrol sa manibela si Martinez sa pakurbadang bahagi ng nabanggit na kalsada.
Dahil dito, tumaob ang trak at nagpagulong-gulong sa kalsada na nagresulta ng pagkasugat ng mga biktima.
Isinugod naman sa nasabing ospital ang mga biktima subalit idineklara na ring dead-on-arrival ang kambal ng umatending doktor na si Dr. Afdal Kunting.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente. Mary Anne Sapico
MMDA magtatalaga ng 2K tauhan sa Semana Santa

March 29, 2023 @7:04 PM
Views: 25