Target ni John Riel Casimero ang Inoue showdown pagkatapos ng laban ni Ryo Akaho

Target ni John Riel Casimero ang Inoue showdown pagkatapos ng laban ni Ryo Akaho

November 3, 2022 @ 4:45 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines –Nakatuon ang pansin ni dating three-division champion John Riel Casimero kay Japanese pound-for-pound star Naoya Inoue sakaling talunin niya si Ryo Akaho sa Disyembre 3 sa Paradise City sa Incheon, South Korea.

Dapat sana’y nakalaban ni  Casimero, 31-4 na may 21 knockouts bilang propesyonal na boksingero, ang kasalukuyang pound-for-pound no. 2 na si Inoue noong 2020 ngunit binasura ang laban dahil sa pandemya ng COVID-19.

“Kung manalo ako laban kay Akaho gusto ko si Naoya Inoue ang susunod basta hindi siya tatakbo. Nirerespeto ko si Akaho dahil lalabanan niya ako, hindi siya natatakot,” ani Casimero.

Huling lumaban ang 32-anyos na si Casimero noong Agosto 2021 laban sa dating kampeon na si Guillermo Rigondeaux at nanalo siya via split decision.

Sa unang bahagi ng taong ito, ang tubong Ormoc ay tinanggalan ng kanyang WBO world bantamweight title matapos itong mabigo ng dalawang beses na ipagtanggol ito laban kay Paul Butler.

Samantala, huling lumaban si Inoue sa isang unification noong Hunyo nang talunin niya si Nonito Donaire Jr. sa pamamagitan ng knockout.

Nakatakda niyang harapin si WBO world bantamweight champion Paul Butler sa isang hindi mapag-aalinlanganang showdown sa Disyembre 13 sa Japan.JC