Tariff modification para sa e-vehicles iminungkahi ng NEDA Board

Tariff modification para sa e-vehicles iminungkahi ng NEDA Board

November 24, 2022 @ 5:22 PM 6 days ago


MANILA, Philippines- Inirekomenda ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board nitong Huwebes kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang executive order na babago sa tariff rates ng ilang electric vehicles.

Inendorso ito ng board sa pulong kasama si Marcos, na siya ring chairperson ng body tkabilang ang ilang Cabinet officials bilang mga miyembro.

“In its first meeting, under the administration of President Ferdinand R. Marcos Jr., the NEDA Board [endorsed] an EO modifying tariff rates on certain electric vehicles, such as passenger cars, buses, mini buses, vans, trucks, motorcycles, tricycles, scooters, and bicycles, among others,” pahayag ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan sa press briefing.

“In particular, the EO will temporarily reduce the most favored nation or MFN tariff rates to 0% for five years and completely build up (CBU) units of certain EVs except for hybrid types of EVs,” dagdag niya.

Ipatutupad din ng EO ang tariff modification sa ilang parte at component ng electric vehicles mula 5% sa 1% sa loob ng limang taon, ayon kay Balisacan. Dagdag niya, rerebyuhin ang tariff modification matapos ang isang taon mula anng ipatupad ito.

Base kay Balisacan, layunin ng EO na palawigin ang market sources at hikayatin ang consumers na gumamit ng electric vehicles. Subalit, hindi binanggit ni Balisacan kung kailan lalagdaan ni Marcos ang EO. RNT/SA