Taripa sa electric vehicles, parts, babawasan

Taripa sa electric vehicles, parts, babawasan

November 25, 2022 @ 9:21 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Aprubado na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tapyasan ang taripa sa electric vehicles (EVs) para mapasigla ang demand sa gitna ng mataas na presyo ng langis.

Ito ang naging desisyon ng National Economic Development Authority (NEDA) board, kung saan si Pangulong Marcos ang tumatayong chairman.

Sinabi ni Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan, inendorso ng Neda Board ang isang executive order na naglalayong baguhin ang tariff rates sa e-vehicles gaya ng pampasaherong sasakyan, buses, mini-buses, vans, trucks, motorsiklo, tricycles, scooters, bisikleta, at iba pa.

Nakasaad sa executive order, ani Balisacan, na babawasan ng hanggang 0% ang “most favored nation tariff (MFN) sa EVs gaya ng pampasaherong sasakyan, buses, vans, trucks, motorsiklo, at bisikleta, at mga parts nito sa loob ng limang taon.

Ang kasalukuyang import duties ay 5% hanggang 30%.

Mula sa 5 %, nais ng NEDA board na ibaba sa 1% na lamang ang taripa sa mga piyesa ng mga de kuryenteng sasakyan sa loob ng limang taon.

“The EO aims to expand market sources and encourage consumers to consider acquiring e-vehicles, improve energy security by reducing dependence on imported fuel, and promote the growth of the domestic e-vehicle industry ecosystem,” ayon kay Balisacan.

Layunin aniya ng EO na mahikayat ang mga motorist ana tangkilin ang mga de kuryenteng sasakyan.

“We want to encourage the adoption and the use of e-vehicles because that will address pollution issues and adaptation to climate change. We believe that’s the future,” dagdag na wika nito.

Ang tariff rates aniya ay susuriin matapos ang isang taon para i-assess ang epekto nito sa e-vehicle industry sa bansa. Kris Jose