Tarlac LGU seminar sinuportahan ni Cayetano

Tarlac LGU seminar sinuportahan ni Cayetano

March 19, 2022 @ 1:24 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Dumayo si dating House Speaker Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules, Marso 16 sa Tagaytay City para ipakita ang kanyang suporta sa ginanap na two-day capability building seminar para sa mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Tarlac.

Nakasama ni Cayetano ang butihing ina ng probinsya ng Tarlac na si Mayor Cristina C. Angeles at ang mga kasamahan nito sa local government unit na sina Vice Mayor Aro Mendoza, Councilors PJ Basangan, Weng Quiroz, Emy Ladera, at Board Member Joji David. Dumalo rin sa seminar si Victoria Mayor Christian Yap at si dating Senador Jinggoy Estrada.

 

Ang training seminar ay nagsilbing pagkakataon upang magpalitan ng kani-kaniyang ideya at magagandang programa ang mga LGU at tularan ang mga ito. RNT